Napansin ko na ang mga matatanda dito sa Korea at maging sa Tsina ay maliliksi at masigla. Dito sa Korea, mahilig silang nakagrupo na lumalabas at gumagala. Nakikita ko silang kontodo porma para sa hiking at umaakyat sila sa mga bundok na nakapalibot sa Seoul. Minsan may dala-dala silang magagarang kamera at kumukuha ng mga litrato sa mga parke. Sa Tsina naman, nakakatuwang makita ang mga matatanda na nakagrupo sa mga parke at nagsasayawan o kumakante o di kaya tumutugtug ng mga katutubong instrumentong pangmusika. Sana sa pagtanda ko, ako ay magiging kasing sigla nila at kasing bibo.
(I noticed that the senior citizens here in Korea and even in China are very lively and active. Here in Korea, they go out in groups. I see them wearing complete hiking uniforms and climb the different mountains surrounding Seoul. Sometimes I even see them with professional-looking cameras and taking pictures in the parks. In China, on the otherhand, it’s fun to see groups of senior citizens dancing, singing or playing ethnic instruments in the parks. I hope that when I grow old I’ll be having as much fun as they have.)


