Itong kotse na ito ay matatagpuan sa lumang bahay ng mga Crisologo sa Vigan, Ilocos na ngayon ay museo na. Sabi nung nagaalaga ng museo, nakasakay dito si dating Congressman Floro Crisologo nang pinagtankaan ang buhay nya pero nakaligtas siya. Ngunit di nagtagal napaslang din siya isang gabi sa loob ng simbahan habang nagsisimba.
Magandang bisitahin ang museo na ito para makita yung iba pang mga lumang kagamitan kagaya ng mga sinaunang refrigerator, plantsa, stereo at iba pa.
(This car can be found at the old house of the Crisologos in Vigan, which is now a museum. According to the museum curator, the late Congressman Floro Crisologo survived an ambush while riding this car. However, one night not long after, he was gunned down inside the church while attending mass.
It’s nice to visit the museum and view old things like old refrigerators, iron, stereo and others.)



